Komentaryo: Humingi ng Resibo campaign, patuloy pa rin
by Rose B. Palacio
Davao City (4 October) -- Ang Bureau of Internal Revenue (BIR), sa hangaring mapanuto at makaugalian ng taongbayan ang paghingi ng resibo sa tuwinang sila'y bumibili ng kahit na anong bagay, ay patuloy sa masugid nitong kampanya dahil sa umano'y hindi nabibigyang-halaga ng publiko ang kahalagahan ng resibo.
Sinabi ni BIR XI Director Atty Marcelinda Omila-Yap na napakalaki ng nawawala sa kaban ng gobyerno dahil sa di pagbibigay ng resibo ng mga business establishments sa mga consumante na bumibili sa kanilang establisimiyento.
Mahalaga na mismong ang end users o konsumante ang hihingi ng resibo sa tuwinang mayroon silang bibilhin. Ang paghingi ng resibo ay makakadagdag sa taxes na binabayan ng mga businessmen. Ang di pagbibigay ng resibo ay ikinalulugi ng gobyerno, paliwanag ni Director Omila-Yap.
Dapat nga sana'y automatic nang magbigay ng resibo ang mga business establishments sa mga consumers. Subali't karamihana sa kanila ay umiiwas magbigay ng resibo sapagka't nakakatipid sila sa pagbabayad ng taxes. Kapag nagre-reflect ang amount sa resibo, ito'y automatic na maisasali nila sa kanilang books of accounts at masasali sa nakatakdang ibabayad nila sa gobyerno, patuloy na paliwanag ni Director Omila-Yap.
Kaya patuloy naming ginagawa ang kampanyang ito at umaasa kami na makakatulong ang taongbayan sapagka't ang paghingi nila ng kaukulang resibo ay makakadagdag ng buwis para sa kaban ng bayan, aniya.
Dengue fever iwasan, maging malinis sa paligid
Madaling maiwasan ang sakit na Dengue kung laging malinis ang inyong paligid. Malaki ang magagawa ng mga pamilya at mga anak nila kung mananatiling malinis, hindi lamang sa kanilang pangangatawan, kundi sa mga paligid ng kani-kanilang mga tahanan at surroundings.
Ayon kay Antonette Ebol ng Department of Health na siyang guest sa Takna sa Kahimsug na radio forum sa DXRP Radyo ng Bayan, kailangang imulat sa mga bata ang kalinisan ng paligid lalo na sa mga bagay na napopondohan ng tubig sapagka't ito ang ginagawang itlugan ng mga lamok.
Simple lang ang dapat gawin: maging malinis sa paligid, iwasan ang maruruming mga bagay na puedeng pag-itlugan ng mga lamok. Itapon ang mga lata, mga gulong na natutubigan sapagka't ito ang madalas na ginagawang bahay-bahayan at itlugan ng mga lamok.
Ginagawa na rin ngayon ang 4:00 o'clock habit sa mga paaralan at nagsisimulang maglinis ang mga estudyante sa paligid ng mga paaralan. Pagdating nila sa bahay, imulat sa mga batang ito ang kalinisan ng paligid at pati na sa kanilang pangangatawan, ani Engr. Ebol. (PIA-XI) [top]