Komentaryo: Pagbibigay ng pondo, pangako ng DBM
by Rose B. Palacio
Davao City (5 October) -- Nangako ang Department of Budget and Management (DBM) na ang pagbibigay ng pondong kinakailangan sa proyekto ng gobyerno at iba pang pangangailagan ay kaagad na ibibigay dala ng pag-aproba ng supplemental budget sa ilalim ng P47-billion spending measure.
Sinabi ni DBM Secretary Rolando Andaya Jr. na kamakailan lang ay naririto sa siyudad ng Davao upang manguna sa paglunsad ng PX MART sa DBM regional office sa McArthur highway, Matina, na ang enactment ng supplemental budget ay sapat na upang ma-release ang pondong P14.86-billion na nakalaan para sa internal revenue allotment o IRA sa mga local government units.
Ang pondong inilalaan ng gobyerno para sa IRA ang pinakamalaking pondo na nakukuha sa supplemental budget, ani Andaya.
Neutral si Mayor sa Ban ng aerial spraying
Neutral si Mayor Rodrigo R. Duterte sa proposed ban o pagbabawal ng aerial spraying sa mga banana plantations. Minabuti ng Davao City Council na hindi isali sa agenda na pag-uusapan sa nakaraang Martes na council session dahil sa pagbitiw ng salita ni Mayor Duterte na sadyang kinakailangan ang masusing pag-aaral sa aspetong ito bago magsagawa ng ordinansa.
Subali't nanatili ang posisyon ng Alkalde ng siyudad ng Davao na dapat bigyan ng pangunahing halaga ang kalusugan ng tao.
Naging maselan ang isyu sa "Ban of aerial spraying" sa mga banana plantations. Masusing pinag-aaralan ito ng Konseho dahil sa reklamo ng umano'y nabiktimang mga tao na naninirahan sa paligid ng banana plantations dahil sa sistema ng paggamit nito ng aerial spraying. Ang uri ng pesticides na ginagamit sa aerial spraying ay aprobado naman ng Pesticides Authority at tinitiyak na hindi ito makakasama o makakaapekto sa kalusugan ng tao. (PIA-XI) [top]