Tagalog News: Ika 43rd Conservation Week ipagdiriwang ng lungsod ng Heneral Santos
Koronadal, South Cotabato (5 October) -- Ipagdiriwang ng bansa ang kanyang ika 43rd Conservation Week sa darating na October 15-21, 2006 na may paksang "May Buhay ang Dagat."
Magiging sentro ng pagdiriwang ang "Fishes of the Ocean" isang On-the-Sport Painting on a continuous canvass na gaganapin sa October 16, 2006 sa covered court ng Oval Plaza, lungsod ng Heneral Santos.
Layunin ng nasabing painting event ang pangangalaga at pag protekta sa ating yamang-dagat at ang hangaring mapasali sa longest painting on continuous canvass sa Guinness World Record.
Kaugnay nito, inaanyayahan naman ang mga interesadong mag-aaral, estudyante, amateur artists, at kahit mga propesyunal na nasa edad 10 pataas na magpadala ng personal identification sa pamamagitan ng pag fax sa numerong 552-1328 o mag-email sa region12@bfar.da.gov.ph bago mag October 9, 2006.
Ang orientation ay gaganapin sa October 12, 2006, alas dos ng hapon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) 12 Conference Room, Vensu Bldg, National Highway, General Santos City. Ang mga partisipante ay kailangang mag parehistro at magsumite ng 2 2x2 I.D. picture.
Pinapaalam na sa oras ng painting session kinakailangang magdala ang bawat ng kalahok ng kani-kanilang paintbrushes at rags habang ang mga paint materials, snacks at ang pananghalian ay sagot ng BFAR 12.
Sa pagtatapos ng nasabing sesyon gagawaran naman ang mga lumahok ng Certificate of Participation mula sa On-the-Sport Artist Association, Inc. and Aquatic Resources, Guinness World Record, at ng World Art Heritage-UNESCO.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Sport Painting kontakin lang sina Ms. Teresita C. Manguras o Mr. Glenn J. Pedro sa numerong 552-9331 o 552-9332 o tumungo sa BFAR 12 sa lungsod ng Heneral Santos. (ajph/PIA 12) [top]