Tagalog News: South Cotabato nagkampanya laban sa dengue
Koronadal, South Cotabato (5 October) -- Naglunsad ng kampanya laban sa dengue ang South Cotabato Provincial Health Office o (IPHO) dahil sa lumalalang kaso ng degue sa ating bansa.
Sa ginanap na Kapihan sa SOCCSARGEN sa opisina ng Philippine Information Agency Regional Office 12, umapela si Edgardo Sandig Provincial Health Officer sa mga media, mga information officer at iba't-ibang ahensya ng pamahalaan na tulungan sila sa pagkampanya upang maiwasan ang ganitong sakit dito sa ating lalawigan. Diumano'y mayroon na rin nabiktima dito sa ating lalawigan ngunit hindi pa naman raw tayo nasa alert level.
Nanawagan din si Dr. Sandig sa mga mamamayan na gawing 3 o'clock habit ang paglilinis sa ating kapaligiran. Ang paglalagay sa tamang lalagyan ng mga basura pinamamahayan ng lamok tulad ng lata at bote. Ang paglalagay ng takip sa mga imbakan ng tubig.
Pinapaalam din nito, na sa ngayon mayroon ng plasma / platelets separator ang IPHO at hindi na kailangang pumunta sa lungsod ng Davao, General Santos at iba pang lugar na may platelets transfusion na kailangan ng mga pasyenteng may degue. (CGI/ PIA 12) [top]