Tagalog News: Gov. Piñol umapela sa GRP at MILF na ipagpatuloy ang peace talks
Koronadal, South Cotabato (5 October) -- Umapela si North Cotabato Governor Emmanuel Piñol sa GRP at MILF peace panel na gawan ng paraan na maipagpatuloy ang peace talk.
Ayon sa sulat na ipinadala ni Governor Piñol sa GRP-MILF Joint Coordinating Committee on Cessation of Hostilities o (CCCH), marami diumano naidudulot na kabutihan sa mga mamayan ng Mindanao ang ceasefire agreement sa pagitan ng Pamahalaan at MILF.
Ang lalawigan ng North Cotabato ay naging ma-unlad, lalo na sa mga lugar na dating may gulo, tulad sa Buliok Complex sa Pikit, North Cotabato, na ngayon may maganda ng pagkakakitaan ang mga residente, sa pamamagitan ng pagtatanim ng Palm oil sa tatlumpung ektaryang lupain. Aniya, hindi raw tulad noon, na putukan ang lagi mong maririnig at ang mga mamamayan ay laging puno ng takot at pangamba na baka matamaan sila ng bala kaya,t walang na silang nagagawang trabaho.
Dagdag pa niya, dahil rin sa ceasefire kung kaya’t umunlad ang lalawigan ng Cotabato mula sa ika-limang pinakamahirap na lalawigan noong 1998 hanggang naging ika-dalawamput siyam sa mga progressive na lalawigan, sa survey na ginawa ng NSCB sa poverty incidence at naging mataas pa sa lalawigan ng South Cotabato. (CGI/PIA 12) [top]