Tagalog News: 7th provincial health congress ilulunsad ngayong araw sa Koronadal
Koronadal, South Cotabato (6 October) -- Ilulunsad ngayong araw ang 7th Provincial Health Congress sa Marvella Plaza Hotel, lungsod ng Koronadal na may temang "Supporting Sector Wide Approach-Moving Health in New Dimension." Ito ay pangungunahan ng Integrated Provincial Health Office ng South Cotabato.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Edgardo R. Sandig, ang pagtitipong ito ay naglalayong magkaisa at maunawaan ng mga delegado ang province-wide integrated program para sa magandang pangangatawan, kung ano ang nagawa at na-ibigay nito sa mga mamamayan ng lalawigan ng South Cotabato.
Naglalayon din ang nasabing pagtilipon na maipaalam sa mamamayan ng South Cotabato ang mga iba't-ibang benepisyong nagawa at magagawa pa ng naturang programa.
Isasagawa din ang unveiling ceremony ng Healthy Life Style Initiative Billboard sa harapan ng Provincial Hospital. Ito ay dadaluhan nina Regional Director Abdullah B. Dumama Jr. ng Center for Health and Development, Teddie Etson T. Rivera ng Philippine International Trading Corporation, at Gov. Daisy Avance-Fuentes. Dadalo rin ang mga mayor ng iba't-ibang bayan ng lalawigan at mga media. (CGI/PIA 12) [top]