Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 20 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/10/07

Komentaryo: Billboards, iinspeksyunin ng DPWH

by Rose B. Palacio

Davao City (7 October) -- Nagbigay ng AO si Pangulong Arroyo upang pangasiwaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pamamagitan ni Secretary Hermogenes Ebdane Jr ang pag-inspeksyon sa mga billboards upang mapangalagaan ang kapakanan ng taong bayan.

Sinabi ni DPWH XI Director Dimas Soguilon na anuman ang instruksyon ni Secretary Ebdane ay kanilang susundin. Makikipag-ugnay ang DPWH XI sa iba't-ibang tanggapan ng gobyerno lalo na sa local government units upang maisakatuparan ang order ni Pangulong Arroyo, aniya.

Dahil sa nakaraang bagyong Milenyo ay nagbagsakan ang naglalakihang billboards sa Metro Manila na bumiktima ng mga bahay at nasugatan ang ilang mga tao na naninirahan sa may billboards na ito. Upang maiwasan ang alinmang sakuha sa hinaharap. Nag-utos si Pangulong Arroyo upang inspeksyunin ang mga billboards at alamin kung illegal ba ang paglagay nito sa iba't - ibang mga lugar.


Pangunahin ng DOH, pangangalaga sa kalusugan

Pangunahing agenda ng Department of Health ang pangangalaga sa kapakanan at kalusugan ng taongbayan nang naaayon sa FOURmula na ipinatutupad ni DOH Secretary Francisco Duque 111.

Ayon kay DOH XI Director Paulyn Jean Rosell-Ubial, malawakan ang serbisyong ginagawa ng DOH upang lubusang mapangalagaan ang kalusugan ng tao, pagbibigay ng murang medisina lalo na sa mga mahihirap at maging maagap sa mga pangangailangan ng taongbayan kung kalusugan ang pag-uusapan.

Tulad ng nangyayari ngayon sa ating bansa, malawakan ang kampanyang ginagawa ng DOH upang maiwasan ang sakit na dengue, malaria, at iba pang sakit na madalas dumapo sa tao, higit sa lahat sa mga bata, ani Director Ubial.

Sa ngayon, hindi lamang malawakan ang information drive na ginagawa ng DOH sa pamamagitan ng mga radio stations, kundi nagsasagawa din sila ng mga diyalogo sa mga barangays upang ipaalam sa taongbayan ang health services ng gobyerno, aniya. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Lower inflation heralds strong RP economy
»Gangs are dangerous - PNP
»Hemorrhage among leading causes of maternal death - NSO
»Children now priority of AIDS prevention campaign
»Davao passers hope for fair CA judgement
»Home buyers flock housing fair
»Dureza assures housing developers of a stable Mindanao
»Davao Norte town holds rice festival
»Capalla to media: Assure parents for National Youth Day
»Non-Catholics may join NYD '06
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines