Tagalog News: IMT patuloy ang monitoring ng kaayusan sa Mindanao
Koronadal, South Cotabato (10 October) -- Sa gitna ng impasse sa peace talks sa pagitan ng GRP at MILF, naglilibot ang International Monitoring Team at Coordinating Committee on Cessation of Hostilities (IMT-CCCH) ng GRP at MILF panel sa ibat’t-ibang panig ng Mindanao.
Sinabi ni IMT head Maj. Gen. Ismail Bin Mohammad Khan na nakikipag-usap sila sa local executives at communities upang alamin ang damdamin ng mga mamamayan sa isyu ng break down ng GRP-MILF talks kasabay ng pagmonitor ng implementasyon ng ceasefire agreement.
Ayon kay Gen. Ismail Bin Mohammad Khan pinaliliwanag ng kanyang pangkat sa mga mamamayan sa Mindanao ang pagsisikap ng GRP at MILF na bumalik sa negotiating table upang matuloy ang usapang pangkapayapaan.
Galak na ipinahayag ng IMT head sa patuloy na pag-iral ng kaayusan sa iba’t-ibang dako ng Mindanao dahilan sa pagsunod at pagtupad ng magkabilang panig sa ceasefire agreement. (pbc/PIA 12) [top]