Tagalog News: Maguindanao mayor iniulat na nahulihan ng shabu sa Davao City
Koronadal, South Cotabato (11 October) -- Hindi pa rin matukoy, kung sino mayor ng Maguindanao ang iniulat na nahulihan ng mahigit sa tatlong kilo ng shabu sa lungsod ng Davao kamakailan.
Agad na pinulong ni Maguindanao Gov. Datu Andal Ampatuan ang mga mayors ng probinsya bilang reaksiyon sa naturang ulat na nailathala sa isang pahayagan ng Davao City. Hindi kinilala sa report ang sangkot na mayor.
Sinabi ni governor Ampatuan na negatibo ang dating ng nasabing report na lubhang naka-apekto sa imahen at leadership ng lalawigan at nangangailangan ng kaukulang aksyon.
Kaugnay nito, nanawagan naman si Parang town mayor Talib Abo kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ibunyag ang identity ng sangkot na mayor. Ayon kay Abo, nagkakaroon ng agam-agam at alinlangan ang mga mayor ng maguindanao na magtungo sa Davao City dahilan sa nasabing nakakasirang report. (pbc/PIA 12) [top]