Tagalog News: Sitwasyon ng dengue sa Region 12 hindi pa nakaka-alarma
Koronadal, South Cotabato (12 October) -- Inihayag ni Dr. Baby Alah C Bingno, Chief Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng Health Center na hindi pa naman nakapang-alarma o nasa alert level ang sakit na dengue sa kabilugan ng rehiyon dose, sa survey na ginawa ng kanilang pamunuan.
Ayon kay Bingno, ito'y dahil na rin sa kampanyang ginawa kung kaya't naging ma-ingat ang mamamayan ng rehiyon.
Pinasalamatan rin nito, ang mga ahensya ng pamahalaan at media na tumulong sa pagpalaganap ng impormasyon hinggil sa sakit na dengue at kung paano ito maiwasan.
Gayon pa man, naghahanda pa rin ang kanila tanggapan at patuloy pa rin ang kanilang pagmomonitor sa kaso ng dengue at sa iba pang mga communicable disease. Diumano mabuti ng laging handa upang madaling matugunan ang anumang pagbabagong mangyayari. (CGI/PIA 12) [top]