Komentaryo: May sapat na enerhiya ang bansa, DOE
by Rose B. Palacio
Davao City (13 October) -- Tiniyak ng gobyerno na may sapat na energy supply ang Pilipinas sabay dagdag na di dapat mag-alala ang taongbayan na magdidilim ang paligid sa darating na panahon.
Sang-ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, gumagawa ng periodic assessment ang gobyerno upang alamin ang energy requirements dahil sa mga dagdag na demands o pangangailangan ng enerhiya dala ng dumaraming populasyon at pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
Ang energy team ay nakikipagtulungan din sa iba’t-ibang industry sectors upang makuha ang energy assessment na kailangan ng DOE.
Ang privatization ng National Power Corporation at ang inflow ng mga investments sa enerhiya ay pagpapatunay na malaki ang kumpiyansa ng mga business sector sa energy power sa Pilipinas, ani Secretary Lotilla.
Nuclear project ng North Korea, ikinabahala
Ikinabahala, hindi lamang ng bansang Pilipinas, kundi ng buong mundo ang Nuclear project ng North Korea. Sinabi ni Pangulong Arroyo na sinusuportahan nila ang panawagan ng buong mundo sa North Korea na tigilan na ang nuclear project na ito at sa halip ay tuunan ng pansin ang regional collaboration at developments.
Isang malaking palaisipan ang nuclear project ng North Korea at pinag-iisipang mabuti ng United Nation Security Council kung ano ang nararapat gawin.
Umaasa ang buong nasyon at ipinagdarasal ng mga Pilipino na sana’y makagawa ng paraan ang UN Security Council at makumbinse ang North Korean government na itigil ang nuclear weapons project upang mapanatag ang loob ng buong mundo. (PIA-XI) [top]