Tagalog News: Pambobomba sa Tacurong City, kinondena
Koronadal City (13 October) -- Kinondena ni Tacurong City mayor Lino O. Montilla ang naganap na pambobomba kahapon ng tanghali sa loob ng city public market na ikinasugat ng apat katao. Ani Montilla, ito ay isang terroristic act na naglalayong maghasik ng kaguluhan sa mapayapang pamumuhay ng mga ordianaryong residente ng nasabing lungsod.
Kasabay sa pagpapaigting ng pamahalaang nasyonal sa kampanya nito sa seguridad ng mga urban centers at mga mahahalagang imprastruktura, iniutos na rin ni Montilla ang operation laban sa perpetrator ng pambobomba.
Nanawagan din si Montilla sa mga mamamayan ng Tacurong City na maging mapagmasid sa paligid at tumulong sa mga kinauukulan sa pagdakip sa mga lawless elements na nagbabalak manggulo sa mapayapang munting lungsod.
Nagpahiwatig din ni Montilla sa mga mambabatas na madaliin ang pagpapasa ng Anti-Terror Bill upang lalo pang mapalakas ang kampanya ng pamahalaang nasyonal at lokal laban sa terorismo. (aca/PIA 12) [top]