Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 23 June 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/10/16

Tagalog News: Parliamentary system, susi sa pag-unlad - Baterina

By Ben Pacris

VIGAN City (16 October) -- Hiniling ni Congressman Salacnib Baterina sa mga Ilokano na dapat suportahan ang Parliamentary system dahil “ito ang susi sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa at para maganyak ang mas maraming foreign investors na magnenegosyo ditto..”

Ito ang binigyang- diin ni Congressman Baterina sa lngguhang PIA radio program na “Niat Makunam Kailian” (Anong Masasabi mo, Kabayan?) sa DWRS dito kamakailan.

“Kailangang maipatupad ang constitutional reforms para maalis ang balakid sa pag-usbong ng foreign investment sa bansa,” sinabi ng Vice- Chairman ng Committee on Justice sa Iluko.

Iginiit ni Abogado Baterina na kapag naamendahan ang economic provisions ng Saligang Batas lalo na sa larangan ng edukasyon at komunikasyon dadami ang foreign investors sa bansa.

“Maraming maitatayong Kolehiyo, radio at TV stations, communication companies na pag-aari ng mga dayuhang negosyante para makatulong sa ekonomiya at dadami rin ang hanap- buhay ng ating mga kababayan,” ayon sa miyembro ng House Electoral Tribunal.

Sinabi pa niya na pabor siya sa unicameral system dahil mas mabisang legislative machine kaysa sa bicameral na naaantala ang mga economic measures at policy making na naaapektuhan ang mga mamamayan.

Ayon pa rin kay Baterina ang pagpapatayo ng Economic at Industrial Zone sa Salomague Port sa Cabugao na naaprobahang bill niya sa kongreso at may basbas si Presidente Gloria Macapagal Arroyo, ang magpapaunlad sa pamumuhay ng mga Ilokano. (PIA Ilocos Sur) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NVizcaya revives 4 o’clock habit to fight dengue
»NVizcaya observes civil service month with gift-giving for the poor
»NVizcaya gives P10 million for sports complex rehab
»NVizcaya farmers receive P2.5 million for irrigation projects
»OWWA to establish migrants’ desk in Nueva Vizcaya
»Church officials seek NCCA help for lost icons
»PGMA unveils billion pesos worth of projects in Calbayog today
»Early okay of 2007 budget to sustain government's pro-poor agenda
»PRC expects flood of oath takers
»Exports up 21.3% in August; copper cathodes surge
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines