Tagalog News: Dureza nanawagan sa lahat na maging mahinahon
Koronadal City (17 October) -- Sa gitna ng serye ng pambobomba sa Mindanao, nanawagan si presidential assistant for Mindanao Jesus Dureza sa mga local leaders, mga pinuno ng Moro rebels pati na ang mga kagawad ng media na mging mahinahon at iwasang magpalabas ng mga provocative statements na magpapainit sa bawat panig.
Ayon pa kay Dureza, ang pagpapalabas ng mga akusasyon na walang basehan ay makaka-apekto sa pagsulong ng usaping pangkapayapaan sa Mindanao lalo na sa isyu ng pagbabalik ng GRP at MILF sa negotiating table.
Nanawagan din si Dureza sa media na iwasan ang pag-ugnay ng pambobomba sa Mindanao bilang propaganda, sa halip tumutok na lamang sa ginagawang pagsisikap na pamahalaan, MILF, at mga peace advocates upang maresolba ang naudlot na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF. (aca/PIA 12) [top]