Tagalog News: Region 12 PNP naka-alerto pa rin
Koronadal City (17 October) -- Naka-alerto pa rin ang kapulisan sa buong rehiyon dose habang masusing nag-iimbestiga ang mga autoridad at inaayos ang pagsampa ng kaukulang kaso sa mga suspetsadong sangkot sa pambobomba sa Tacurong City, Sultan Kudarat; Makilala, Cotabato at lungsod ng Cotabato.
Inihayag ni PNP 12 director German Doria na nakataas pa rin ang kanilang alert level upang maiwasan ang mga banta ng terorismo mula sa JI at Abu Sayaff Group sa mga urban centers sa Mindanao.
Kaugnay nito, nananawagan din ang pamahalaan sa mga mamamayan na maging vigilant lalo na sa panahong ito na malakas ang banta sa ating seguridad habang pinalalakas nito ang nga hakbang laban sa terorismo dito sa ating bansa. (aca/PIA 12) [top]