Tagalog News: Hanapbuhay para sa mga Pinoy sa Pilipinas at sa ibang bansa
by HM Yoshioka
Koronadal City (18 October) -- Aabot sa 20,000 trabaho ang bukas para sa mga Filipino na dati sa ating bansa at maging yaong ding nasa ibang bansa, ayon sa pinkahuling ulat ng Department of Labor Employment (DOLE).
Ayon kay Labor Secretary Arturo D. Brion sa taong kasalukuyan nasa pagitan ng 20,000 hanggang 30,000 ang bilang ng job vacancies ang nakatala sa Philippine Jobnet System ng DOLE.
Ipinaliwanag din ni Brion, na kahit na hindi na umalis pa ng bahay ang isang Job applicant, maari na itong makahanap ng trabaho sa pamamagitan ng internet.
Anumang ora, ang system ay nakapagdisplay ng hindi kukulangin sa 20,000 hanggang 30,000 vacancies. Umaabot sa kabuuang 18,376 mga tao ang nakaka-access ng system araw-araw. Ang Phil. Jobnet ay isang Online skills at matching system na isinasagawa sa pamamagitan ng Basic Labor Market Information (BLMI) System dito sa ating bansa. (PIA 12) [top]