Tagalog News: Security forces ng pamahalaan itinaas pa ang alert level
by MM Galdones
Koronadal, South Cotabato (18 October) -- Siniguro ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa mga negosyante ng bansa na itinataas pa ng security forces ng pamahalaan ang alert level nito lalo na sa Metro Manila at Mindanao sa gitna ng mga naganap na pambobomba sa southern Philippines kamakailan at sa patuloy na pagbabanta ng teroristang grupo sa seguridad ng mga mamamayan.
Pinasalamatan din ng Pangulo ang mga nakapagbigay ng impormasyon sa awtoridad hinggil sa iba pang mga pagtatangka ng pambobomba sa Mindanao sabay panawagan para sa global alertness sa mga suspicious activities.
Dagdag pa ng Pangulo na sa pamamagitan ng matatag na kooperasyon sa pagitan ng publiko at ng security forces, makakatulong ito upang mapigilan ang mga plano ng mga teroristang grupo.
Hinikayat din ni Pangulong Arroyo ang mga barangay officials na maging “force multipliers” sa pagpapatupad ng mga safety measures sa publiko. (PIA 12) [top]