Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 23 June 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/10/19

Tagalog News: "Walang bawas na P1B sa Banaoang Pump Irrigation Project" - PGMA

by Ben Pacris

San Ildefonso, Ilocos Sur (19 October) -- Inihayag ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na hindi nabawasan ng P1 billion ang pondong nakalaan sa Banaoang Pump Irrigation Project para matulungan ang mga Ilokanong magsasaka.

"Walang bawas. Dinagdagan ko pa ng P200 million ang pondo ng proyektong ito," ayon sa Pangulo sa pakikipagusap niya kay Kongresman Salacnib Baterina (Lakas, First District Ilocos Sur).

Nabulabog ang mga opisyal sa lalawigan dahil sa umugong na balita na binawasan diumano ng Malacanang ng P1billion ang pondo ng naturang proyekto. Pati ang Sangguniang Panlalawigan na pinamunuan ni Bise Gobernador Deogracias Victor Savellano, ay nagpadala ng resolusyon kay Pangulong Arroyo na sana hindi mabawasan ang pondo ng naturang irrigation project para hindi ito maantala.

Dahil dto, nagtungo si Kongresman Baterina sa Malacanang para kausapin ang Pangulo tungkol sa pondo ng proyekto.

Sa naganap na press conference kamakailan, inihayag ni Atty. Baterina, Vice-chair ng Committee on Justice, "na walang bawas ang pondo at dinagdagan pa ng Pangulo ng P200 million, kaya tuloy-tuloy na ang proyektong ito."

Sinabi ni Baterina na matatapos ang proyekto sa 2008 na matutulungan ang mga magsasaka sa anim na bayan sa unang distrito ng lalawigan.

May nakalaang P2.5 billion na pondo sa proyekto mula sa loan ng gobyerno ng China at ang counterpart ng gobyerno ng Pilipinas. (PIA-Ilocos Sur) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Investments in DC seen to surpass 2005 figures
»DOH celebrates preschoolers health week
»Dabawenya wins 3 golds in World Dragon Boatfest
»Troops encounter NPAs in Digos
»Feature: Calbayog, church officials join hands to build St. Porziuncula Hospital
»All set for Naval SCUAA 2006, says NIT president
»Bishops, clergy visit Naval to join episcopal anniversary rites for Bishop of Naval
»Leyte town recalls raising of 1st US flag in Dulag Hill 120
»British ambassador visits Bais City today
»Commentary: RP looks to "positive" upgrade
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines