Tagalog News: Ilocos Sur, modelo ng agri-business sa super region sa North Luzon
Vigan City, Ilocos Sur (19 October) -- Suportado si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa tatlong malalaking infrastructure projects na maglulunsad sa lalawigan ito na itinuturing na First Class Province bilang modelo ng Agri-business sa Super Region s Northern Luzon.
Sinabi ni Sec. Arthur Yap, director-general ng Presidential Management Staff at head ng Monitoring Task Force ng mga proyektong imprastruktura sa Hilagang Luzon, na itataguyod ng administrasyong Arroyo ang Multi-line Food Processing Plant, Salomague Port na maitatayo bilang Economic Zone, at Banaoang Pump Irrigation Project.
Binisita mismo ni Sec. Yap, kasama si Gobernador Luis 'Chavit' Singson ang mga proyektong ito na magpapaunlad ng agri-business sa Super Region at naaayon sa SONA ng Pangulo ukol sa 'job opportunities.'
"Palawakin ang marketing ng Multi-line Food Processing Plant, hindi lamang dito sa atin kundi pati sa ibang bansa," idiniin ng dating Agriculture Secretary sa naganap na press conference sa Baluarte, Vigan City.
Sa kanyang arrival statement sa Laoag International Airport, sinabi ng PMS chief na may pondong nakalaan sa mga proyektong imprastruktura hanggang 2010 dahil lumalakas ang koleksyon ng buwis sa Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue.
Sinabi pa niya na hini nabawasan ng P1 billion ang nakalaang pondo ng Banaoang Pump Irrigation Project kaya tuloy-tuloy ang implementasyon nito para matulungan ang mga magsasaka sa lalawigan ng Ilocos Sur na dumami ang ani.
Ang Ecozone sa Cabugao, na panukala ni Kongresman Salacnib Baterina, ay magpapaunlad ng ekonomiya sa mga maitatayong paktorya, industriya, hotel at pabahay.
Ang Multi-line, 'brainchild' ni Gobernador Singson, na pinamumunuan ni NTA Administrator Carlitos Encarnacion, ang gumagawa ng sikat na Vigan longganisa, bagnet, tocino, hotdog, ham, banana chips at iba pa. (Ben Pacris/PIA-Ilocos Sur) [top]