Tagalog News: Moro traders handa na para sa Islamic food market
Koronadal, South Cotabato (19 October) -- Handa na ang mga mahihirap na komunidad ng Moro sa Mindanao na makilahok sa international Islamic food market.
Itoy matapos na inilunsad ng mga foreign donor outfits, clerics, and political leaders ng ARMM ang isang Muslim Mindanao Halal Certification Board Inc. (MMHCBI) na ginanap sa Dusit Hotel ng Makati kamakailan. Ito ang huling requisite para mapabilang ang mga Moro entrepreneurs sa international Islamic food business.
Inihayag naman ni ARMM Trade Secretary Ishak Mastura, ang certification board ang mamamahala sa mga regulation of companies na pwedeng mag-angkat ng mga livestock at poultry products sa Islamic markets sa Gitnang Silangang Asya at Europa.
Ang paglunsad ng board ay dinaluhan ng Canadian-funded ARMM Local Government Support Program,ARMM Governor Datu Zaldy Ampatuan, ARMM officials at mga Ambassadors ng Great Britain at Canada. (ajph/PIA 12) [top]