Cotabato mayor umaasang maiiwasan ang pambobomba at bababa ang krimen
Koronadal City (19 October) -- Sa gitna ng serye ng pambobomba sa Mindanao na umabot din hanggang sa lungsod ng Cotabato, nagpahayag ng pagkatuwa si mayor Muslimin Sema sa pagpapalabas ng Pangulong Arroyo ng Executive Order 462.
Ayon pa kay Sema, ang nasabing EO na umano'y magbibigay ng kapangyarihan sa mga punong-bayan na magtatalaga ng mga miyembro ng Civilian Volunteers' Organization (CVO) ay makakatulong sa kampanya ng pamahalaang lungsod laban sa kriminalidad at upang maiwasan din ang muling pambobomba sa lungsod ng Cotabato.
Batay sa EO 462, ang mga CVO ay bibigyan ng police powers at tutulong sa mga kapulisan at punong barangay sa pagpapatupad ng kaayusan sa bawat komunidad. Bilang mga police auxiliaries, sila rin ay pahihintulutang magdala ng rehistradong armas sa ilalim ng kani-kanilang punong barangay. (aca/PIA 12) [top]