Tagalog News: Mga empleyado makakatanggap ng holiday pay
Koronadal, South Cotabato (23 October) -- Kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr o huling araw ng pag-aayuno ng mga Muslim, nagpahayag ang Department of Labor and Employment o (DOLE) ng pagbibigay sahod sa lahat ng mga empleyado sa mga araw na holiday.
Alinsunod sa guidelines for employees’ compensation na ipinalabas ng DOLE ang lahat ng empleyado, papasok man o hindi sa araw na idineklarang holiday ay makakatanggap ng regular pay, kapag ang isang empleyado na papasok naman sa araw ng rest day ay makakatanggap din ng 260% mula sa kanyang regular na sahod. Gayundin ang mga nagtratrabaho na lampas walong oras sa isang araw na makakatanggap din ng hourly rate at dagdag 30%.
Kaugnay nito, ang paghayag sa October 24 o araw ng huling pag-aayuno ng mga Muslim bilang regular holiday ay layong ma i-promote ang cultural understanding and integration, lalo na ang pakikiisa ng sambayang Pilipino sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr. (ajph/PIA 12) [top]