Tagalog News: SSS hikes, pensioners makakabenepisyo
Koronadal, South Cotabato (23 October) -- Inihayag ni SSS chairman Thelmo Cunanan, na ang mga pensioner ng Social Security System o (SSS) ay makakatanggap ng 10-percent increase sa kanilang buwanang pension na retroactive sa September 1.
Ayon kay Cunanan, ang naturang pagtaas ay pangkalahatan at layunin nitong matulungan ang mga pensioner na masabayan rin ang pagtaas ng mga bilihin ngayon.
Dagdag pa nito, gumaganda diumano ang takbo ng investment ng pension fund kaya’t nais din nila ibahagi ito sa mga miyembro ng pensioner.
Aniya, nasa dalawampu’t anim (26) na milyon ang SSS contributors at kalahati ng mga ito ay pensioners, kaya’t nararapat lamang na sila ay bahaginan din. (CGI/PIA 12) [top]