Komentaryo: Mapayapa ang siyudad ng Davao
by Rose B. Palacio
Davao City (24 October) -- Sa kabila ng maraming balita na sunod-sunod na pagbobomba sa mga Central Mindanao, nanatiling mapayapa at tahimik ang siyudad ng Davao. The government is on top of the situation, ani Davao City Mayor Rodrigo R. Duterte kaalinsabay panawagan sa buong mamamayan ng siyudad ng Davao na makipagtulungan sa pamahalaan upang lubusang masugpo ang terorismo na gustong mamayani sa bansa.
Nanatiling nasa “maximum alert” ang siyudad, ani Davao City Director Col. Catalino Cuy ng Philippine National Police.
Manatiling kalma ang taong bayan. Sinisiguro naming ang inyong proteksyon, aniya. Ang tangi naming hiling sa taga-Davao ay ang kooperasyon at isumbong agad sa 911 kung may nakikita kayong suspetsosong tao na nasa inyong mga paligid, sa bawat komunidad at mga barangay, aniya.
Nasa pakikipagtulungan ang tagumpay ng hangarin natin na manatiling tahimik at payapa ang siyudad. At ang labang ito na ginagawa ng Administrasyon ay para na rin sa kabutihan ng sambayanang Pilipino, ani Cuy.
“Stand-Up” laban sa kahirapan
Inilunsad ng Administrasyong Arroyo ang partisipasyon ng Pilipinas sa kampanya ng buong mundo ng United Nations na “Stand Up Against Poverty” Stand Up for the Millennium Development Goals” na ang tanging hangarin ay maibaba ang incidence ng kahirapan sa buong jundo sa taong 2015.
Ang global na kampanyang ito na tinaguriang “UN Millennium Campaign”s Stand Up Against Poverty” ay naghahangad na makintal sa isipan ng bawat mamamayan ang kanilang participasyon na labanan ang kahirapan.
Inaasahang sasali ang bawat mamamayan sa buong mundo upang isulong ang global campaign na ito para mabawasan ang kahirapan at maiangat ang kabuhayan ng bawat pamilya, ani Press Secretary Ignacio Bunye. (PIA) [top]