Tagalog News: PARC, nag-imbestiga upang mabura ang pagdududa sa maling paggamit ng pondo
Koronadal, South Cotabato (25 October) -- Masusing iniimbestigahan ng Presidential Agrarian Reform Council (PARC) kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan ang diumanoy maling paggamit ng pondo mula sa nabawing ill-gotten wealth ng mga Marcos at upang mabura ang mga pagdududa sa umanoy maling paggamit nito.
Kaugnay nito, unti-unti nang ibinabalik sa mga tao ang nasabing pondo sa pamamagitan ng lasting social interventions para ma i-angat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan dito sa bansa.
Ihahayag din sa publiko ang lahat na dokumento at mga record na may kinalaman sa nasabing tagong yaman. (ajph/PIA 12) [top]