PIA Press Release 2006/10/25
Tagalog News: Pwersa ng mga teroristang grupo, humina na - militar
by MM Galdones
Koronadal, South Cotabato (25 October) -- Sa kabila ng sunud-sunod na serye ng pambobomba sa Mindanao kamakailan, inihayag ni Colonel Domingo Tutaan, executive officer of the office of the Deputy Chief of Staff for Operations ng Armed Forces of the Philippines, na humihina na ang pwersa ng mga teroristang grupo, ang Jemaah Islamiyah (JI), Abu Sayyaf, at maging ang NPA, dahil sa pagbaba ng bilang ng kanilang mga armas.
Ayon kay Colonel Tutaan, ang pwersa o lakas ng mga nasabing grupo ay nakabase din sa bilang ng hawak nitong mga armas.
Dagdag pa ni Tutaan, bagamat unti-unti nang nakakamtan ng pamahalaan ang tagumpay sa kampanya nito kontra terorismo, patuloy pa rin ang pagpapalakas ng military sa effort nito upang tuluyan ng masawata ang iba pang mga banta ng terorismo. (PIA 12) [top]
|