Tagalog News: South Cotabato nakatanggap ng mga medical equipment
by MM Galdones
Koronadal, South Cotabato (25 October) -- Tumanggap kamakailan ang LGU ng Polomolok ng medical equipment na nagkakahalaga ng mahigit o kumulang sa 3 milyong piso mula sa isang religious organization ng South Korea sa pamamagitan ng "Christ Map Mission Philippines."
Ang nasabing medical equipment ay binubuo ng operating table, micro-surgery set, laser machine, 2-unit ng cautery machines at isang Hyundai-brand ambulance.
Pormal na isinagawa ni Reverend Kim Young Kyun ng Chosadong Asan City, Chung Nam, South Korea ang turn over ng mga nasabing equipments kay Dr. Rogelio Aturdido, Jr., chief ng Polomolok Municipal Hospital ng Barangay Pagalungan, municipalidad ng Polomolok.
Lubos namang pinasalamatan ni Dr. Aturdido si Reverend Kyun dahil malaking tulong diumano ang naturang mga equipments, hindi lamang sa municipalidad ng Polomolok, pati na rin sa buong probinsiya ng South Cotabato. (PIA 12) [top]