Tagalog News: House Bill 1214, dagdag na benepisyo para sa may kapansanan
Koronadal City (25 October) -- Dagdag na benepisyo at pribilehiyo ang matatanggap ng mga taong may kapansanan kung maipasa sa Senado ang House Bill 1214 na mag-amyenda sa Republic Act 7277 o ang Magna Carta for Disabled Persons.
Kaugnay nito, umaasa ang Kapisanan ng mga May-Kapansanan sa lungsod ng Koronadal na pinamumunuan ni Noel Manabe sa pagpapasa ng nasabing House Bill.
Ayon kay Las Piņas representative Cynthia Villar, may-akda ng nasabing panukala, kung maipapasasa Senado ang House Bill 1214 ito umano ay magbibigay ng katulad na benepisyo na tinatanggap ng mga Senior citizens gaya ng 20% discount sa mga restaurant, sasakyan, gamot, hospital at medical services at iba pa.
Inihayag rin ni Manabe na malaking tulong para sa mga kagaya niyang may kapansanan ang mga privileges na ipapatupad ng pamahalaan gaya ng exemption sa pagbabayad ng taunang individual income tax. (aca/PIA 12) [top]