Tagalog News: PGMA binigyang-diin ang importansiya ng edukasyon
by MM Galdones
Koronadal, South Cotabato (26 October) -- Binigyang-diin ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang kahalagahan ng quality education upang mai-angat ang kabuhayan ng mga mahihirap na mamamayang Pilipino, habang pinapurihan nito ang mga paaralan at mag-aaral na kabilang sa top-notcher ng 2006 National Achievement Test (NAT).
Ayon sa Pangulo, mahalaga ang edukasyon sa layon nitong matugunan ang problema sa kahirapan at maiangat ang ekonomiya ng bansa.
Ang National Achievement Test ay taunang isinasagawa sa lahat na pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya. Sa pamamagitan nito, nasusubukan ang scholastic performance ng mga pampublikong paaralan at maging mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.
Ayon pa rin sa Pangulo, ang resulta sa National Achievement Test ay magsisilbi ring tulong sa policymakers ng gobyerno para sa patuloy nitong pagpapaunlad sa sistema ng edukasyon ng ating bansa.
Tiwala naman ang Pangulo na sa pamamagitan ng de-kalidad na edukasyon, makakatulong ito upang matamo ang buong suporta ng local government, business sector at kumunidad. (PIA 12) [top]