Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 25 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/10/26

Tagalog News: People's initiative petition ibinasura ng SC

Koronadal City (26 October) -- Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na baguhin ang Saligang Batas sa pamamagitan ng People's Initiative sa botong 8-7.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Antonio Carpio, sinabi ng SC na maituturing na "unconstitutional" ang petition na inihain nina Atty. Raul Lambino ng Sigaw ng Bayan at Rep. Erico Aumentado ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) dahil nabigo umano ang mga petitioners na maipaliwanag at maipakita sa mga mamamayan ang draft ng isinusulong na pagbabago ng Saligang Batas bago tuluyang papirmahin ang mga ito sa signature sheets.

Nilinaw din ng Korte na pinapayagan lamang ang People's Initiative kung ito ay amendment subalit ang nais na paraan ng Sigaw ng Bayan ay sa pamamagitan ng revision o malawakang pagbabago.

Sinabi pa rin ng SC na hindi umano umabuso sa kapangyarihan ang Comelec sa ginawa nitong pagbasura sa petition ng grupo ni Lambino dahil sa pinagbatayan lamang umano nito ang naging desisyon ng SC sa Santiago vs Comelec.

Kabilang sa 8 mahistrado na bumoto kontra Cha-Cha sina Chief Justice Artemio Panganiban, Associate Justices Consuelo Ynares-Santiago, Angelina Sandoval-Gutierrez, Antonio Carpio (Ponente), Romeo Callejo Sr., Alicia Austria-Martinez, Conchita Carpio-Morales at Adolf Azcuna.

Kasama naman sa mga mahistradong nagnanais na magkaroon ng pagbabago ng sistema ng gobyerno sina Senior Associate Justice Reynato Puno, Leonardo Quisumbing, Associate Justices Renato Corona, Dante Tinga, Cancio Garcia, Presbitero Velasco at Minita Chico-Nazario.

Gayunman, binigyan ng SC ng 15-araw ang ULAP at Sigaw ng Bayan na makapagsumite ng kanilang motion kaugnay sa nasabing usapin. (aca/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanao LGUs share best practices
»86 educators off for Australia study tour
»Catholic media bent for effective communication
»USEP-BEAM scholarship guidelines bared
»Barangays urged to fight terrorism
»Davao Norte drug dependents get free admission to rehab center
»e-Biz Week highlights BPO as shining industry for GenSan
»Komentaryo: Take-off ng ekonomiya
»TESDA chief leads career caravan in Tacloban
»2,854 hopefuls take civil service exams in Region 8
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines