Tagalog News: Pilipinas tinigil ang deployment sa Kazakhstan
Koronadal, South Cotabato (26 October) -- Sinuspende ng Philippine labor authorities ang deployment ng Pilipino workers sa Kazakhstan kasunod paunang-sabi ng mga Pilipino worker ng isang oil refinery sa Kazahkstan, na gusto na nilang umuwi.
Ayon sa labor department, ang naturang suspension ay ipapatupad sa Tengiz region, kung saan mahigit anim na daang Pilipino ang nangangambang ma-ipit sa kaguluhang ito.
Dagdag pa ng DOLE, ang pamahalaan ay gumawa na ng hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga overseas Filipino workers sa Kazakhstan, sa pamamagitan ng pansamantalang pagsuspende sa deployment at departure ng OFWs na tutungo sa Tengiz. Nagpadala na rin diumano ang pamahalaan ng Composite Team sa pagmonitor sa mga pangyayari at pagtiyak sa kaligtasan ng mga OFW’s sa naturang lugar.
Samantala inihayag ni Foreign Affairs spokesman Eduardo Malaya na ligtas at secured naman ang mga Pilipinong nandoon. Papa-uwiin din sa lalong madaling panahon ang mga Pilipinong gusto ng umuwi, ayon kay Danilo Cruz, Acting Labor Secretary. (CGI/PIA 12) [top]