Tagalog News: ICT in basic education, programang pangteknolohiya ng pamahalaan – Lapus
Koronadal, South Cotabato (27 October) -- Inihayag ni DepEd Secretary Jeslie A. Lapus sa ginanap na pagpupulong kasama ng iba’t ibang IT related institutions na pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang mapalakakas ang information and communications technology (ICT) kasama sa basic education.
Ang nasabing ICT-empowerment program para sa edukasyon ay kabilang sa medium-term Philippine development goal (MTPDP) ng pamahalaan. Ito umano ang magiging susi sa pagbibigay kaalaman at kakayahan sa teknolohiya tungo sa makabagong panahon.
Inihayag din ni Lapus na ang mga proyektong nasa ilalim ng DepEd ICT sa mga nakaraang taon ay kabilang ang programang massive computerization para sa mga paaralang sekondarya, educational television-based na programa ng Knowledge Channel Foundation at ng ABS-CBN Foundation, at programang computer-based teaching and learning na sa ilalim ng Foundation for IT Education and Development (FIT-ED).
Kaagapay din ng mga programang pangkaalaman na ito ang Intel at Microsoft. (ajph/PIA 12) [top]