Tagalog News: DAR, South Cotabato, naglunsad ng ARC
Koronadal, South Cotabato (27 October) -- Pinangunahan ng Department of Agrarian Reform ang pagbuo ng San Miguel, Tinago at Puti o (SANTIP) Agrarian Reform Communities o (ARC) kamakailan sa Norala, South Cotabato.
Ang SANTIP ARC ay ikalawang ARC ng Norala at ika-17 ARC ng South Cotabato.
Ayon kay Municipal Agrarian Reform Officer (MARO) Winefredo Gonzaga ng Norala, ang ARC ay grupo ng mga magkadikit-dikit na mga barangays kung saan karamihan sa mga magsasakang sakop nito ay pawang mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARB).
Sa pamamagitan ng ARC, ibinubuhos ng DAR ang mga tulong ng pamahalaan kagaya ng mga infrastructures, institutional at agricultural development para madagdagan ang kita ng mga ARBs at mapataas ang antas ng pamumuhay ng mga ARCs. (MSOC/PIA 12) [top]