Tagalog News: Pangulong Arroyo pinayuhan ang mga supporters ng people’s initiative
Koronadal City (27 October) -- Pinayuhan ni Pangulong Arroyo ang mga proponents at supporters ng ibinasurang People’s Initiative petition na tanggapin ang desisyon ng Korte Suprema subalit nagpahiwatig rin na huwag isantabi ang laban para sa Charter Change.
Nanindigan si Pangulong Arroyo na ang Chacha ang susi para maging first world ang Pilipinas sa loob ng 20 taon. Hindi aniya uusad ang bansa kung patuloy na mananaig ang maruming uri ng pulitika na nangyayari ngayon.
Inihayag din ng Pangulo na ipinauubaya na niya sa Sigaw ng Bayan at Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) ang paghahain ng motion for reconsideration sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman.
Sa ngayon, ang Constituent Assembly (Con-Ass) ang nakikitang huling option ng administrasyon at ito ang magiging top agenda ng mga kaalyado ng pangulo sa Kongreso at ng Lakas party sa gagawing national convention sa November 6. (ac agad/PIA 12) [top]