Tagalog News: $215M utang na mag due sa 2007-2008 babayaran sa susunod na buwan-BSP
by EZ Nebria
Koronadal, South Cotabato (27 October) -- Ang Central Bank of the Philippines ay magbabayad sa susunod na buwan ng $215 million halaga ng loans na magmamature sa 2007 at 2008, ayon kay Central Bank Governor Amando Tetangco, Jr.
Kung saan kukuha ng perang pambayad, sinabi ni Tetangco na ang banko ay may sapat na external liquidity at nakapag ipon rin sila mula sa interest payments.
Sa mga naunang buwan, ang Central Bank ay nakapagbayad din ng loans na umabot sa halagang $460 million, at noong buwan ng Abril, nabayaran din nito ang $500 Million na utang bago pa man ang maturity period, dagdag pa ni Tetangco.
Ang gross international reserves ng bansa ay umabot sa $21.56 billion noong nakaraang buwan mula $21.54 billion noong Agosto. (PIA 12) [top]