Tagalog News: China, nangakong dagdagan ang pamumuhunan sa Pilipinas
Koronadal, South Cotabato (30 October) -- Ipinangako kamakailan ni Meng Jianzhu, Secretary of the Communist Party ng China-Jiangxi Provincial Committee at Chairman ng Standing Committee ng Jiangxi Provincial People’s Congress sa ginanap na pagpupulong sa Riverside Ballroom of the Sofitel Trilec Hotel, China kasama ang pangulong Arroyo na lalo pang paiigtingin ng Tsina ang pamumuhunan dito sa Pilipinas.
Kasabay ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) na isang framework agreement kaugnay sa pagpapalawak ng kalakalan at pagkakaibigan ng Jiangxi at Bohol bilang mga sister city.
Ang kanyang 5-day visit nagsimula pa noong isang araw ay may layong mapalakas ang bilateral, economic, at trade ties ng dalawang bansa. (ajph/PIA 12) [top]