Tagalog News: Health Secretary hinikayat ang lokal na pamunuan sa paglulunsad ng vaccination campaign
Koronadal, South Cotabato (30 October) -- Nanawagan si Health Secretary Francisco Duque III sa pamunuan ng mga lokal na pamahalaan para sa pagpapa-igting sa kampanya laban sa common diseases sa pamamagitan ng vaccination.
Sa kanyang pagbisita dito sa rehiyon dose inihayag ni Health Secretary Duque, na responsibilidad diumano nito ang pagpapa-alala sa mga local chief executive sa pagsisiguro sa kaligtasan ng mga bata mula sa vaccine-preventable diseases tulad ng polio, na laganap ngayon sa Indonesia, measles , diphtheria, pertusis, tetanus o (DPT), rabies, at hepatitis.
Kaugnay nito, malugod namang tinanggap ni Governor Migs Dominguez ang hamon ng Department of Health at hinikayat ang mga local officials at mga residente na suportahan ang nationwide campaign laban sa mga preventable diseases. (CGI/PIA 12) [top]