Tagalog News: DSWD hinikayat ang pharma sector na magbawas sa presyo ng medisina
by MM Galdones
Koronadal, South Cotabato (30 October) -- Hinikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pharmaceutical at healthcare sectors na tulungan ang publiko na makakuha ng de-kalidad at mababang presyo ng medisina. Ito’y sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng nagkakaroon ng heart at vascular diseases na mga Pilipino.
Ayon kay Social Welfare Secretary Ezperanza Cabral, ang vascular at heart disease ay isa sa listahan ng sampung sakit na nagiging sanhi ng kamatayan ng mga mamamayan sa bansa. Dahil na rin ito sa may kamahalan ang gamot para sa nasabing sakit.
Sa isang pananaliksik ng World Health Organization (WHO), dalawa (2) lamang sa sampung (10) Pilipino ang nakakagamit ng tamang medisina para sa heart at vascular disease.
Dagdag pa ni Social Welfare Secretary Cabral, ang kooperasyon ng mga pharmaceutical at healthcare sector ay sadyang mahalaga upang maiangat ang access ng mga Pilipino sa mataas na kalidad at affordable na mga medisina. (PIA 12) [top]