Komentaryo: Kapayapaan at kaunlaran pakay ng Pangulo sa China
Cotabato City (30 October) -- Ang pagbyahe ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo patungong bansang Tsina ay naglalayong magkaroon ng matibay na pagtutulungan ng naturang bansa at ng bansang Pilipinas.
Sa kanyang mesahe, binigyang-diin ng Pangulo na higit sa lahat kailangan ng ating bansa ang pagpapahalaga ng kapayapaan at kaunlaran. “Sa aking panunungkulan bilang Pangulo ng bansa, sinikap kong maging matatag and seguridad n gating bansa bukod sa kapakanan ng bawat Filipino”, ayon sa Pangulo.
Binigyang-diin din ni PGMA na amg ginagawang ‘nuclear test’ kamakailan ng bansang North Korea ay nagbigay ng pangamba sa karatig lugar ng nabanggit na bansa.
Ang China, ayon sa Pangulo ay isa ng maunlad na bansa at ito’y nagbigay ng inspirasyon sa atin upang tayo’y magsama-sama tungo sa kaunlaran. (MCD/PIA 12) [top]