Tagalog News: US tourists nanguna sa talaan ng DOT
Koronadal City (31 October) -- Mahigit 424,494 Amerikanong turista ang bumisita sa Pilipinas mula buwan ng Enero hanggang Setyembre nitong taon, ayon sa ulat ng Department of Tourism (DOT). Sa kabuuan ito diumano ay nakapagtala ng ikalimang bahagi ng pangkalahatang tourist arrivals sa ating bansa.
Sa layuning makatulong upang maitaas ang kita ng pamahalaan sa pamamagitan ng kontribusyon sa turismo, inilunsad ng Tourism department ang programang "Grand Pinoy Homecoming Tour" upang hikayatin ang mga Filipinong nasa ibang bansa pati na ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan na bisitahin ang mga top tourists destinations sa Pilipinas.
Ayon sa DOT ang pangkalahatang foreign arrivals sa Pilipinas sa loob ng siyam na buwan nitong taon ay umabot sa 2,085,783. Ito umano ay 9.4% mas mataas kaysa sa nakalipas na taon sa loob ng unang siyam na buwan ng taong 2005. (aca PIA 12) [top]