Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/11/01

Komentaryo: Mga ipinagbabawal sa All Saints Day

by Rose B. Palacio

Davao City (1 November) -- Mahigpit na ipinagbabawal ni Davao City Mayor Rodrigo R. Duterte ang paglalasing, pag-inum ng alak, pagdalaa ng matatatalas na bagay o patalim at ang malakas na pagpapatugtog ng sound system.

Inihayag ng Alkalde ang mga pagbabawal upang maiwasan ang anumang gulo o sakuna na maaaring mangyari panahon ng All Saints Day celebration.

Inaasahan ang napakaraming tao sa mga sementeryo habang ang mga alagad ng batas ay patuloy sa kanilang pag-alerto sapagka't dito nagkakatipon-tipon ang mga tao.

Sinabi ni PNP city director Col. Catalino Cuy na nagdagdag sila ng mga pulis sa iba't-ibang bahagi ng siyudad ng Davao upang matiyak ang kaligtasan ng taong bayan sa inaakalang terorista na maaaring maghasik ng lagim sa siyudad.

Bagama't nagkakaroon ng kasiyahan at pagdiriwang sa panahong ito, hindi pa rin dapat magkumpiyansa ang taongbayan at maging alerto sa paligid. Kung may pinagsususpetsahang tao na maaaring gagawa ng di maganda, isuplong ito agad sa pinakamalapit na pulis na inyong makikita, ani Col. Cuy.


Huag kumain ng shellfish, alamang

Nagbigay ng advisory ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mamamayan na pansamantala'y huag munang kumain ng shellfish o alamang sapagka't hindi ito makakabuti sa katawan ng tao.

Ayon sa BFAR, sa buong bansa ay may pitong probinsiya na inalerto dahil sa red tide at kabilang dito ang Balite bay sa Mati, Davao Oriental at ang Bislig bay sa Bislig City, Surigao del Sur.

Ang iba pang probinsiya na may red tide ay: Juag Lagoon sa Matnog, Sorsogon at ang may dalampasigan ng Milagros, Masbate; Siaton sa Negros Oriental; Dumanguillas bay sa Zamboanga del Sur; at Irong-irong bay sa Samar.

Nagkaroon ng shellfish ban noon pang October 11 matapos malaman ang resulta ng monitoring na mataas ang level ng red tide toxin sa mga tubis ng naturang 7 probinsiya. Napabalitang may 3 batang namatay dahil sa umano'y red tide poisoning. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DENR bares plans for Clean Air Month
»DENR-EMB teaches school youth value of clean air
»BOC automates customs procedures
»Comelec bares plans for '07 polls
»Comval to wage campaign vs trafficking of women, children
»Feature: Davao hip-hop, proudly Davao
»Komentaryo: Mga ipinagbabawal sa All Saints Day
»BTRCP-DTI sets real estate brokers exams
»DOT 8 trains Tanauan tourism team
»PGMA cites importance of peace, security cooperation in Asean region
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines