Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/11/03

Komentaryo: Sa Isyu ng Pagigiging milking cow ng FM wealth

by Rose B. Palacio

Davao City (3 November) -- Harinawang maging responsable ang ibang pahayagan sa pagsulat ng umano'y milking cown ng nakaw na yaman ng mga Marcoses.

Napabalita na umano'y nilustay ng DAR ang bahagi ng P35-bilyong bawing yaman ng mga Marcos, pero nabigo nitong tahiin ang kuwento sa pagkakaugnay ng mga gastusin ng ahensiya sa Marcos wealth.

Detalyado ang article ng pahayagang Malaya na ibinase umano sa 233-pahinang preliminary report ng Commission on Audit. Ang hindi lamang naging malinaw sa ulat ay kung paano naiugnay sa nabawing yaman mula sa pamilyang Marcos ang mga kuwestiyunableng disbursements ng DAR sa pagitan ng Pebrero 2004 at Disyembre ng naunang taon.

Ang naging klaro sa report ay nagkaroon umano ng mga kadu-dudang gastusin ang ahensiya, pero hindi naman ito nangangahulugang nagmula na agad sa perang nakalaan para sa pagpapatupad ng comprehensive agrarian reform program at naging gatasan ang bawing yaman ng mga Marcos.


Maraming nakinabang sa bawing yaman ng mga Marcos?

Ibinalita din sa pahayagang Malaya na umano'y marami daw ang nakinabang sa FM wealth. Kabilang umano dito ang mga politiko, media outfits, particular daw ang DAR. Tinatayang umabot sa P419.56-milyon ang mga kuwestiyunableng gastusin, pero mismong ang mga auditors ay nagsabing hindi lahat ng libro ay kanilang nasilip dahil daw sa kakulangan ng panahon at sa hindi daw pakikipagtulungan ng mga ahensiya.

Maski nga ang nagsulat ng artikulo sa naturang pahayagan ay mukhang nalito rin sa mga numero at may nabanggit na nalustay daw na P3-bilyon na hindi natin mawari kung saan niya hinugot.

Sa susunod sana ay maging responsable tayo sa pamamahayag. Bilang mga reporter ay hindi natin maaaring ilatag sa publiko ang ating mga sariling suspetsa at pananaw lamang.

Responsibilidad natin na ilabas ang mga facts at hayaang ang publiko ang magdesisyon ung ano ang paniniwalaan. We owe it to the public to present only the true and unadulterated facts.

Ito lamang ang inaasahan sa atin ng publiko bilang mga media practitioners. (PIA-XI) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»There's money in garbage, says Davao foundation
»Braga congratulates Gerry Nograles as chair of NLRC
»DOLE secretary to lead groundbreaking of ten CGMA classroom donations
»Komentaryo: Sa Isyu ng Pagigiging milking cow ng FM wealth
»RDC 8 committee tackles social issues
»Tacloban City observes All Saints Day peacefully, orderly
»Analysis: Tenth of '07 budget goes to scholarships
»Pag-IBIG info-caravan drives thru Bohol mall
»South Leyte gives tractor, power sprayer for Tomas Oppus town
»Commentary: Gov't makes sure no projects are imperiled by rebels
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines