Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 28 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/11/04

Komentaryo: Masyadong maaga pa para mamulitika

Tacloban City (November 4) -- May kanya-kanyang panahon para sa lahat ng bagay. Mayroong panahon para kumampanya sa halalan, subalit ang panahong iyon ay hindi pa ngayon.

Ngayong mga panahon na ito, nakatuon ang pananaw ng daigdig sa bansang Pilipinas dahil sa masigasig at puspusan nitong pagsisikap na maging tunay na matatag ang ekonomiya sa pamamagitan ng siryosong pagpupunyagi at ibayong pagsisipag.

Ang mahal na Pangulong Gloria Makapagal Arroyo ay ginagawa ang lahat para makamtan ng lahat ng Pilipino ang isang bansang mapayapa at may matatag na ekonomiya.

Ang adhikaing ito ay unti-unti nang nagkakaroon ng katuparan, salamat sa mga mamamayang Pilipino na walang sawang nakiki-isa at nakikipagtulungan para marating ang minimithing kapayapaan at karangyaan.

Sana ay huwag nating payagan na ang mga bunga ng mga pagpapakasakit at pagkakaisa ng sambayanan ay masira sa pamamagitan ng mga detractors na patuloy na hinahatak ang bangka patungo sa ibang direksiyon.

Ang napakaagang pamumulitika sa panahong ito ay magiging daan lamang para lumayo ang tuon sa higit pang mas mahalagang tungkulin – pasaganain ang ekonomiya sa pamamagitan ng dagdag na negosyo at mga mamumuhunan na magdadala ng karagdagang trabaho para sa mga mamamayan, at pagpupunyagi at pagtutulungan para mapanatili ang kayagayang pangkapanatagan dito sa loob ng bansa at maging sa East Asian Region man.

Sana ay hayaan natin na maipagpatuloy ang magaganda nang naumpisahan dito sa ating bansa. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng henerasyon ay nakakamtan na natin ang magandang ekonomiya, matatag na piso, pagtitiwala at pagbibigay ng pansin ng mga mamumuhunan sa buong mundo.

Maaga pa masyado para mamulitika. Magtrabaho muna tayo para sa kapakanan ng buong bansang Pilipino. (PIA 8) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA to sign upland policy
»Military sees demise of NPA
»RP to set-up own testing center for nurses
»Production of 5.6-billion liters of bio-fuel eyed
»No political duties for Army i 20 elections
»PGMA succeeding in restoring RP’s economy - DCCCII
»Davao cited poor region in Mindanao
»Bizmen urge gov’t to cut mining red tape
»Deadline for fire, penology officer exams applications set
»Komentaryo: Tuba-tuba, kinilalang “energy seed”
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines