Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/11/07

Komentaryo: May eleksyon sa susunod na taon

by Rose B. Palacio

Davao City (7 November) -- Nagsalita ang Malakanyang at ang Commission on Elections: May eleksyon sa susunod na taon as scheduled, alinsunod sa Saligang Batas.

Masyado namang shocking para sa lahat ang No-el or no election scenario na pinalutang sa gitna ng Charter change debate.

Lumutang na ang No-El pero natahimik ito ng maging decisive an gating political leaders sa pagbabasura nito.

Pero ngayong malapit na ang eleksyon, muli na namang pinaiingay ang No-El upang masira ang administrasyon.

Nilinaw ni Press Secretary Ignacio Bunye na kakayanin ng pamahalaan na gawin ang eleksyon manually. Hindi porke’t mabibitin sa automation project ay isasantabi na ang napakahalagang exercise ng karapatan ng mamamayan.

Obligasyon ng Estado na gawin ang lahat para matuloy ang eleksyon, ayon na rink ay House Majority leader Prospero Nograles nang siya’y magsalita sa inauguration ng DPWH covered court na siya ang may malaking pondo para matapos ito.


Tumaas umano bilang ng kidnappings

Tumaas na naman daw muli ang mga kaso ng kidnap-for-ransom sa bansa. Partikular sa hanay ng mga Filipino-chinese, taliwas sa datos na pinalalabas ng Philippine National Police.

Ayon kay Ilocos Norte representative Imee Marcos, umaabot na daw sa 71 tsinoy ang nadudukot simula Enero hanggang sa kasalukuyang buwan at tinatayang nasa P23.2-milyon na ang napupunta sa ransom payments out of P614-milyong demands mula sa mga sindikato.

Kadalasan kasi, mas pinipili pa ng mga kapatid nating tsinoy na sarilinin ang kanilang problema sa mga kidnap-for-ransom syndicates kaysa i-report agad sa mga otoridad ang pambibiktima sa kanila ng mga ito.

Ito ang dahilan kung bakit convenient at ideal victims ang mga miyembro ng Filipino-chinese community. Sigurado kasi ang mga kidnappers na hindi pipiyok ang kanilang mga biktima at kung magsusumbong man o hihingi ng tulong sa pulisya ay sa bibihirang pagkakataon lamang.

Kumbaga sa bawat sampung insidente ay iisa lang ang magsasalita sa ganitong ratio. Talagang susugal ang mga criminal. Papano mo din maasahang makakakilos ang PNP kung hindi nito alam na may insidenteng kidnapping? (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Commentary: Changing of the guard, common occurrence in RP
»Illegitimate children can now use the surname of their father
»Tacloban observes filariasis awareness month
»BIR Davao region tops in tax collection performance
»RP is now moving without coup threats – Bunye
»DENR: DavOr’s forest cover not yet alarming
»End of open skies to affect Davao
»Komentaryo: May eleksyon sa susunod na taon
»Commentary: Heinous crimes against children
»RDC 8 enjoins LGUs to formulate "4 gifts" of children
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines