Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/11/11

Komentaryo: Sa kabila ng mga kritiko, gumaganda ang ekonomiya

by Rose B. Palacio

Davao City (11 November) -- Sa gitna ng muling pagkabuhay ng mga kritiko ng Administrasyon, nanatiling malakas at matatag ang ating ekonomiya, ayon kay Presidential spokesman & Press Secretary Ignacio Bunye.

Ang pananatili ng Piso sa 50-peso level kada dolyar, ang malakas na kalakalan sa stock market at pumapasok na mga investment ay pagpapatunay na malaki na ang kumpiyansa ng mga negosyante na bumabalik sa ating bansa, aniya.

Dahil na rin sa pagsisikap ng ating pamahalaan, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, tumitibay ang ekonomiya at patuloy ito sa mahusay na pagtakbo.

Bumalik na ang presyo ng gasoline sa mababang bilihin. At hindi rin nating maitatanggi na may halong blessing at pagpapala sa Maykapal ang pagganda ng ekonomiya dahil kahit na anong pagpupunyagi, kung talagang maghihirap tayo ay hindi natin matitikman ang epekto ng ating mga pagsisikap, ani Bunye.


Mahalaga ang suportang political Ė WB

Sinabi ng World Bank officials, mahalaga ang malakas na suportang pulitikal sa mga repormang ipinatutupad ng Administrasyon para matiyak ang tuloy-tuloy na kaunlaran sa bawat bayan, munisipalidad, lungsod at lalawigan ng bansa.

Hindi naman kasi magagawa ng Malakanyang o national government nang nag-iisa ang pagsulong ng mga kailangang reporma para sa pagbuti ng kabuhayan ng sambayanang Pilipino kung walang suportang political.

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na mas malaki ang gagampanan ng mga local na pamahalaan sa pagpapahusay ng ekonomiya dahil sila ang direktang nakakasalamuha ng publiko at nakakakita ng araw-araw na takbo ng buhay sa kani-kanilang mga lokalidad.

At sa halip na tunay at socially-sensitive at relevant na programa ang gawin ng mga LGUs ay malaki ang kahusayang makikita sa kanilang lokalidad, ani Ermita. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: Youth delegates share unique experience
»NGO urges action on concerns of tribal people
»Govít to business sector: Donít give in to NPAsí demands
»Komentaryo: Sa kabila ng mga kritiko, gumaganda ang ekonomiya
»EVCIERD marks 5th anniversary
»Partnership formed to promote info-based decision-making in all LGUs
»Maasin City approves creation of city environment office
»Military recovers firearms from CPP-NPA in Leyte
»Maasin bares 75-80% compliance in segregated waste collections
»ANAD calls Bayan, affiliated sectoral groups CPP puppets
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines