Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/11/11

Komentaryo: Ekonomiya muna bago politika

Tacloban City (November 11) -- Sana ay unahin muna ng mga namumuno sa bansa ang patuloy na pagpapalago ng ekomomiya ng bansa bago pagtuunan na pansin ang tungkol sa mga usaping politika.

Sayang naman kung pababayaan nila na masayang ang sa ngayon ay maganda ng takbo ng ekonomiya sa bansa na bunga ng paghihirap at pagsasakripisyo ng mga Pilipino sa pamumuno ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ng dahil lamang sa pamumulitika ng mga tao at mga opisyal na wala ng pinapahalagahan kundi ang sarili nilang kapakanan at sakim na mithiin.

Umaangat na ang ekonomiya ng bansa. Ang patuloy na pag-angat nito ang dapat na pagtuunan ng pansin, hindi ang isyu ng politika at ang maagang pamumulitika, kung ayaw natin na bumulusok na naman ng pababa ang economiya ng bansa.

Nakakapanlumo ang ginagawa ng nga kritiko ng Administrasiyon na maagang pamumulitika. Talaga yatang hindi sila titigil hangga’t di nila makamtan ang kanilang minimithing kapangyarihan.

Kung sa akala nila ay nalilinlang nila ang taongbayan, sila ay nagkakamali. Ang taongbayan ay wala nang hinangad kundi ang mapaunlad ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pagkakabit-bisig kasama ng administrasyon para maipagpatuloy ang paglago ng ekonomiya ng bansa at ang pag-angat ng kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino.

Ang patuloy na pag-angat ng kabuhayan ng bansa ay nagpapakita lamang na ang bansang Pilipino ay patuloy na naniniwala at nagtitiwala sa kakayahan ng Administrasyon.

Ang Pangulong Arroyo ay nagpalabas na ng panawagan sa mga local chief executives na ipa isang tabi muna nila ang politika at sa halip ay pagtuunan ng pansin kung paano masusugpo ang karalitaan at kung paano mapapa-unlad ang kabuhayan ng kanilang mga mamamayan.

Sana ang mga pinuno ng kritikong oposisyon ay ganito rin ang sasabihin sa kanilang mga kaagapay. Kung gagaya lamang ang mga kritiko kay Pangulong Arroyo na wala nang ibang iniisip kundi ang kapakanan ng mga mamamayang Pilipino, disin sana ay malayo na ang nararating na kaunlaran ng mahal na bansang Pilipinas. (PIA 8) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: Youth delegates share unique experience
»NGO urges action on concerns of tribal people
»Gov’t to business sector: Don’t give in to NPAs’ demands
»Komentaryo: Sa kabila ng mga kritiko, gumaganda ang ekonomiya
»EVCIERD marks 5th anniversary
»Partnership formed to promote info-based decision-making in all LGUs
»Maasin City approves creation of city environment office
»Military recovers firearms from CPP-NPA in Leyte
»Maasin bares 75-80% compliance in segregated waste collections
»ANAD calls Bayan, affiliated sectoral groups CPP puppets
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines