Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/11/14

Komentaryo: Guardians tutulong sa anti-drug campaign

by Rose B. Palacio

Davao City (14 November) -- Hinimok ni City Councilor Jimmy Dureza ang mga bagong halal na Guardian Philippines Inc (GPI) Anti-Crime Davao City Engineers chapter na makialam at tumulong sa patuloy na kampanya ng gobyerno sa terrorismo at illegal drugs.

Si Councilor Dureza na siya mismong inducting officer (at kumatawan kay Mayor Rodrigo Duterte) ay nagbigay ng mahabang talumpati sa isinagawang induction ng officers ng GPI na dinaluhan ng maraming GPI chapters sa buong southern Mindanao region na umabot sa mahigit na 500 opisyales ng iba't-ibang chapter ng GPI.

Kailangang maprotektahan natin ang ating mga kababayan, lalo na ang mga kabataan na siyang target ng mga drug pushers. Nais ba nating magkaroon ng lider sa hinaharap na isang "durogista", ani Councilor Dureza na siya ring City Council committee chair ng peace and order.

Isang malawakang kampanya ang ginagawa ngayon ni Mayor Duterte laban sa prohibited drugs at kailangan ang pakikipagtulungan ng bawat isa upang magtagumpay ang adhikaing ito na magkaroon tayo ng isang "Drug Free City" at yan ay ang siyudad ng Davao, aniya.


May eleksyon sa Mayo '07

Tiniyak ni Majority House Leader Congressman Prospero Nograles na may eleksyon sa darating na Mayo, 2007.

Binigay niya ang katiyakang ito sa kanyang talumpati sa idinaos na blessing and inauguration ng DPWH covered court na siyang nagbigay ng pondo kasama si Mati Davao Oriental Congressman Mayo Almario.

Tiniyak din ni Congressman Nograles na wala silang hangarin na magkaroon ng perpetual powers sapagka't hinding-hindi papayag ang taongbayan niyan, at magagalit ang publiko.

Hindi maiwasan na manira o magsagawa ng kampanya laban sa Administrasyon ang oposisyon. Nguni't ang sa ganang akin lang naman ay huag tayong maniwala sa haka-haka ng iba lalo na ng mga kalaban ng gobyerno sapagka't hinding-hindi pinababayaan ng Administrasyon ang taongbayan. Sa halip ay ginagawa nito ang lahat ng paraan upang mapabuti ang ekonomiya ng bansa upang makatulong lalo na sa mga mahihirap sa hinaharap, aniya. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Guardians to help keep Davao communities from harm
»There will be elections in May '07 - Nograles
»Japan number one destination of products from Davao
»NYD participants get clearer picture of Davao City
»Kabarkada gets off at barangay level
»Child protection program updated
»Reforestation to solve balding forests, say indigenous peoples
»100 Muslim youth set to join 23rd Davao Finishers Marathon
»Komentaryo: Guardians tutulong sa anti-drug campaign
»9,862 hectares denuded timberland in Region 8 made available for dev't
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines