Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/11/15

Tagalog News: Papremyo mula sa resibo sa Ilocos Sur

Ni Carlo P. Canares

Vigan City (15 November) -- Mayroong pamaskong papremyo para sa mga kabataan sa Ilocos Sur. At ito ay magmumula sa resibo!

Halos kapareho ng programa na "Premyo sa Resibo" ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at PAGCOR ay ang bagong promo ng Department of Trade & Industry kaugnay ang Department of Education sa probinsiya.

Ayon kay DTI provincial director Ms. Grace Lapastora, ang promo na tinawag na "Handog Pamasko Mula sa Resibo" ay paraan ng kanilang opisina upang bigyan halaga ng mga kabataan ang paghingi ng resibo at tiket sa kanilang mga transaksyon sa malalaking tindahan at pampasaherong bus. Sa ganitong paraan din, mapipilitan ang mga operators ng mga establisyemento at bus na magbigay ng resibo o tiket na nagiging basehan naman ng kanilang ibabayad ng buwis sa gobyerno.

Ang promo ay bukas sa lahat ng estudyante sa elementarya hanggang kolehiyo sa Ilocos Sur. Ang bawat opisyal na resibo, sales invoice, retail invoice, cash register receipt, bus/minibus tiket at iba pang proof of purchase ay maaaring gawing entry sa promo. Isusulat lamang ng kalahok ang kanyang pangalan, tirahan, telepono, asignatura, address ng tindahan sa likod ng resibo. Ang mga ito ay ihuhulog nila sa drop boxes na ilalagay ng DTI sa labas ng principal's office ng mga eskwelahan.

Ang promo ay hanggang December 29, 2006. Malalaking premyo ang naghihintay sa mga mananalo kagaya na lamang ng Computer Sets, Videocamera, Cellphones at mga gift certificates. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»3rd Mayor Duterte Cup Nat'l Battle of Champions set in Davao
»DOH opens Substance Abuse Prevention week celebration
»Davao selects OFW Model Family
»Commentary: GRP deadset on forging peace with MILF
»Region XI rates low in general labor standards
»Food businesses doing brisk in Davao
»Reflection: NYD delegates prove their point
»New batch of AUSAID scholars to leave for Australia in 2007
»Feature: Three stars for Eastmincom commander
»Komentaryo: Ang Pulitika at U.S. elections
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines