Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/11/17

Tagalog News: Mga Sorsoganon inihahanda sa pagdating ng mga natural na kalamidad

by Benilda A. Recebido

SORSOGON CITY (Nobyembre 17) -- Naging matagumpay ang tatlong araw na Disaster Management Summit na may titulong “Community Management Forecasting Early Warning Preparedness for Natural Hazards.

Ang naturang summit ay naglalayong maturuan ang mga opisyal at mga mamamayan ng Sorsogon sa pagbuo ng mga solidong plano at programa at kung paano matukoy at malaman ang mga makabuluhan at natatanging paghahanda upang maiwasan ang mga panganib na maaaring maidulot sa komunidad at indibidwal ng mga natural na kalamidad.

Ayon kay Jean Chu, kilala sa international community bilang isang geologist at panauhing pandangal sa naturang aktibidad, mabibigyan din ng kamalayan ang komunidad ng Sorsogon sa paggamit ng macro-precursor observations at crustal stress. Ito ay ang mga paraan upang matukoy ang mga ‘observable behavior’ ng mga pananim at mga hayop maging ang mga pagbabagong maaaring maitala sa panahong may napipintong pagdating ng mga natural na kalamidad tulad ng lindol, bagyo o pagputok ng bulkan.

Naisakatuparan ang nasabing summit bunsod ng mga pinsalang dala ng bagyong ‘Milenyo’ dahil na rin sa kakulangan ng ibayong paghahanda at kaalaman sa ‘disaster preparedness’ at ito rin ay bilang suporta sa PHILVOLCS sa pagpapaigting pa nito ng kampanya sa paghahanda laban sa anumang darating na kalamidad.

Samantala, positibo at aktibo ang naging partisipasyon ng mga lokal na ehekutibo mula sa iba’t-ibang mga munisipyo ng probinsya kasama ang mga Municipal Coordinating Councils at iba pang mga kinatawan ng mga mamamayan ng Sorsogon. Naroon din sa nabanggit na pagtitipon ang mga kinatawan mula pa sa malalayong probinsya tulad ng Quezon, Infanta, Isabela, Batangas at Cagayan. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Villar: 2007 budget up for approval in Senate
»Feature: World's rare computer center for disabled operates in Davao
»Davao region found with lowest drug incidence in RP
»Davao dad embarks on a citywide barangay legislation education drive
»NPA intensifies extortion efforts, says AFP
»Mild El Nińo spares Negros Oriental
»NBI Dumaguete, senior agent ranked as top performers nationwide
»BIR, LGUs to link databases
»Commentary: Honasan’s arrest hopefully puts an end to destabilization plots
»Region 8 seminar focuses on generic procurement manual
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines