Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/11/21

Komentaryo: Illegal billboards, patuloy ang dismantling

by Rose B. Palacio

Davao City (21 November) -- Patuloy pa rin sa pagdi-dismantle ng billboards dito sa region XI kaugnay sa pagpapatupad ng Administrative Order 160 na pinirmahan ni Pangulong Arroyo sa hangaring hindi makaapekto ang mga illegal structures na ito sa mga mamamayan at ari arian.

Nagbigay ng order si DPWH Secretary Hermogenes Ebdane Jr na ipagpatuloy ang pag-dismantle sa mga illegal structures na ito subali't hihintuan ito sa panahon ng Pasko.

Ang target ng DPWH dito sa rehiyon onse ay matapos ang dismantling bago matapos ang buwang ito ng Nobyembre at kung hindi matatapos ang pull-out, maaring magpatuloy sa buwan ng Disyembre, nguni't hindi sa panahon ng Pasko, ayon kay DPWH XI Director Dimas Soguilon.

Ang DPWH XI ay patuloy ding nakikipag-ugnayan sa local na pamahalaan, gayundin sa mga advertising agencies na hindi naman tumututol sa order ng Pangulo.

Kung talagang nakakaapekto sa buhay ng tao o sa properties, kailangan ding makipagtulungan kami sa gobyerno upang maayos ang konstruksyon ng billboards, sabi ng isang advertiser na siya mismong nag-pull out ng kanilang giant billboards na nakalagay sa may tabi ng daan.


Malaki ang pondong nakuha ng gobyerno sa EVAT

Malaki ang pondong nakuha ng gobyerno sa implementasyon ng Expanded Value Added Tax, umabot ito sa P48.4-bilyon sa loob lamang ng walong buwan.

Ayon kay Finance Secretary Gary Teves, mula Enero hanggang Agosto, umabot sa P48.4-bilyon ang pondong nalikom at ito'y mataas kung ikumpara sa mismong panahon noong nakaraang taon na umabot lamang sa P45.8-bilyon.

Ang EVAT ay isang centerpiece ni Pangulong Arroyo at isa sa kanyang major reform agenda na nagtagumpay sa implementasyon, ani Teves.

Ngayong mayroon nang pondo, marami ng proyekto ang puedeng ilaan lalo na sa mga mahihirap na nangangailangan ng kalinga at tulong ng gobyerno, aniya.

Noon ay nagsakripisyo ang taongbayan sa implementasyon ng EVAT. Panahon naman ngayon na mag-pay back ang Administrasyon sa sakripisyong ito at ipadama naman sa taongbayan ang tulong na nararapat para sa kanila, aniya. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: The battles of a child warrior
»ComVal's Joecab asks for fair media reportage
»Feature: DOH contains TB, the silent killer disease
»Dismantling of illegal billboards continues - DPWH
»Caballero asks UNICEF to help push passage of local code for children
»Sto. Tomas to host Davao Norte meet 2006
»Gov't troops seize illegally-cut logs in ComVal
»NPAs fail in attack vs Army detachment
»PADI cites WAWD for Int'l Coastal Clean-up
»Komentaryo: Illegal billboards, patuloy ang dismantling
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines